TV

WATCH: Lotlot de Leon, ibinahagi ang istorya ng kanyang engagement kay Fadi El Soury

By Maine Aquino

Sa unang pagkakataon ay inilahad na ni Lotlot de Leon ang buong detalye ng kanyang engagement sa kanyang Lebanese fiance na si Fadi El Soury.

Unang ibinahagi ni Lotlot sa Sarap Diva nitong August 18 ang kanilang unang pagkikita ni Fadi. Ani ng aktres, "5 years ago, we met through a common friend."

Naging magkaibigan muna umano sila ni Fadi. Kuwento ni Lotlot, "Friends yeah, but he was constantly there already. So hanggang sa hindi na siya umalis."

Ayon kay Lotlot ay walang masyadong adjustments na ginawa sa kanilang relasyon dahil halos magkapareho lang sila ng kultura.

Aniya, "He's very family-oriented kasi, parang Pinoy din 'yung culture nila. He's very close to his parents, mga kapatid niyo sa lagi niyang nakakausap constantly. So 'yun 'yung nakita ko sa kanya na very similar sa atin sa kanila. So wala namang halos ipinagkaiba. 'Yun lang I don't speak their language. He learned how to speak Tagalog, so marunong siyang mag-Tagalog na."

Sa Tagaytay umano naganap ang engagement nina Lotlot at Fadi ngunit dati pa ay napag-usapan na nilang magpakasal.

Kuwento ni Lotlot, "Actually tinanong na niya ako before. Sabi niya, 'Will you marry me?' Sabi ko, 'Yeah.' But walang ano 'yun, walang parang hindi siya 'yung parang serious serious na pag-uusapan namin ganyan. I actually said yes na before but hindi siya 'yung, walang singsing ganyan. Napag-uusapan lang."

Pagdating sa Tagaytay ay pormal nang nag-propose si Fadi.

"Noong dinner time, kaming dalawa lang... tapos biglang may nilatag na plato, nakalagay 'Marry me' so medyo naano ako. Tapos tinignan ko siya sabi niya, 'Will you?' Then iyak na ako nang iyak."

Panoorin ang kabuuan ng kanilang kuwentuhan dito: