TV

WATCH: Janine Gutierrez, confident na mai-in love ang lahat kay Serena sa 'Sherlock Jr.'

By Felix Ilaya

Nakapanayam ng ilang miyembro ng press ang cast ng Sherlock Jr. sa media conference ng show last January 22.

Dito, na-interview ng Unang Balita sina Ruru Madrid at Janine Gutierrez tungkol sa kanilang panibagong show.

Bahagyang kinuwento ni Ruru ang magiging takbo ng istorya ng Sherlock Jr. kung saan bibida siya bilang Sherlock Jackson Jr., isang investigative journalist.

Aniya, "May isang mangyayaring bagay na hindi natin magugustuhan at iyon 'yung nag-push sa'kin para i-solve 'yung crime na 'yon. At siyempre, tatakbo rin 'yun sa friendship naming dalawa ni Siri."

Makakatrabaho ni Ruru sa show ang bibong golden retriever na si Serena o Siri at inamin din niya na noong una ay natakot siya sa kaniyang furry co-star.

"Na-love at first sight ako kay Siri and unti-unti niyang napawala 'yung takot ko sa mga aso," wika ni Ruru.

Para naman kay Janine, nag-e-enjoy siya sa set ng Sherlock Jr. dahil parating naroon si Siri na nakakapawi ng kanilang stress.

"Super fun kasi ngayon lang ako nagkaroon na kasama na aso sa taping. Minsan dati pinapabisita ko 'yung dog ko sa'kin sa set pampatanggal ng pagod or 'pag inaantok na. So ngayon every day, the whole day may kasama kaming dog so super saya."

Dagdag pa niya na siguradong mala-love at first sight din ang lahat 'pag nakilala na nila si Siri sa show.

Aniya, "Sa tingin ko lahat ng tao mai-in love kay Siri kasi sobrang cute, sobrang talino tapos umaarte talaga siya."

Panoorin ang buong ulat ng Unang Balita below:

 

Abangan sina Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Janine Gutierrez, Andre Paras, Serena, and more sa Sherlock Jr. This January 29 na!