Mapapanood ang social media star na si Charuth sa Philippine adaptation ng hit K-drama series na Shining Inheritance.
Makikilala ang content creator bilang Cecile Bautista sa naturang serye. Sa naganap na media conference kamakailan, nagpapasalamat si Charuth na naging parte ng cast ng Shining Inheritance.
Related gallery: 'Shining Inheritance' stars dazzle at the show's media conference
“Yung transition po from online to mainstream, grabe super laki po, ang lawak po bigla nung sa mainstream. Ang dami pong kakausapin, ang daming ico-consider, ang dami pong pakikinggan, which is super na-appreciate ko naman po kasi in-audition ko po 'tong role na 'to, and super grateful po ako na naging parte ako ng show na ito at nakilala ko po sila,” pagbabahagi niya.
Sa naging panayam ng GMANetwork.com kay Charuth noong nakaraang taon, ibinahagi niyang halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman nang malamang parte siya ng Shining Inheritance.
Aniya, “Mixed emotions. Super saya na, at the same time, parang kinabahan ako kasi first serye ko 'to if ever tapos dito pa sa GMA.”
Bukod dito, ikinuwento rin ni Charuth ang kanyang paghahanda para sa naturang serye.
“Nag-a-ask ako sa mga friends ko sa prod if paano 'yung nangyayari, lalo na 'yung mga writers na malalapit sa akin. Nagpapatulong talaga ako kung ano 'yung mga pwede nilang i-advice sa akin kasi first serye ko nga ito,” kwento niya.
Abangan ang premiere ng Shining Inheritance sa September 9 sa GMA Afternoon Prime.