TV

WATCH: Mikee Quintos at Mikoy Morales, inspirado magtrabaho sa 'Sirkus' dahil kay Cherie Gil

By Aedrianne Acar

Sinuklian ng mga manonood ng mataas na ratings ang pilot episode ng fantasy series na Sirkus last January 20.

READ: Pilot episode ng 'Sirkus,' wagi sa nationwide TV ratings

Ayon sa panayam ng 24 Oras sa bida nito na si Mikoy Morales, sobra siyang natutuwa sa effect ng kanilang show sa mga bata.

Ani Mikoy, “Kasama namin si Tito Gardo (Versoza) kagabi, tapos kasama niya ‘yung anak niya na maliit. Tapos makikita mo na bawat visuals spectacle na nangyayari parang 'Whoa!' gumaganun siya. So, alam mong pambata talaga. Nakaka-warm [ng puso].”

Lubos din ang paghanga nilang dalawa ni Mikee Quintos na makasama ang magaling na aktres na si Ms. Cherie Gil na gumaganap bilang kontrabida na si La Ora.

Dagdag ng Kapuso actor, “When you get to talk to her parang mas mai-inspire ka lang na maging ikaw.”

Bilib naman si Mikee sa mahusay na pagganap ng veteran star sa kaniyang role.

“Honestly, na-amaze ako na every take iba ‘yung atake niya. Every take iba (Mikee motions) ‘yung, pero all-out and it’s always effective kahit iba-iba.”

Ano-ano pa kaya ang dapat abangan sa patok na magical series na Sirkus?

Panoorin sa video below:

Video courtesy of GMA News