TV

Rhian Ramos, naging seryoso sa pag-arte dahil sa 'Stairway to Heaven'

By Marah Ruiz

Unang beses daw nasubukan ni Kapuso actress Rhian Ramos ang dramatic acting sa 2009 series na Stairway to Heaven.

Philippine adaptation ito ng sikat ng K-drama series na may parehong pamagat. Nakatambal pa niya rito si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

"I fell in love with the story of this show. It's one of the purest love stories that you will get to know. Sana ma-enjoy nila kung paano siya minahal ng audience namin noong 2009. Sana ganoon din 'yung maramdaman ng audience natin ngayong 2020," pahayag ni Rhian sa isang teleconference interview kasama ang piling miyembro ng media, kabilang ang GMANetwork.com.

Mahalaga rin daw para sa kanya ang Stairway to Heaven dahil isa ito sa mga nag-inspire sa kanya na maging seryoso sa pag-arte.

"Ito yung show that made me really fall in love with my job. Ito 'yung nagpa-transform from wanting to be a popular celebrity to I wanted to become a good actress," kuwento ni Rhian.

"Kasi first I was a teen actress. All of my roles were very bubbly and pa-cute. Tapos ginawa ko 'yung 'LaLola.' I did comedy acting from there. Ito (Stairway to Heaven) siguro 'yung first experience ko ng dramatic acting," dagdag pa niya.

Malaki raw ang pasasalamat niya sa mga tao sa likod ng serye na maraming naituro sa kanya.

"Luckily, si Direk Joyce Bernal, she's an actor's director. Very specific siyang magbigay ng instruction. We also had an acting coach that is one of my favorite people in the world who is Jay Cruz," bahagi niya.

Panoorin ang pag-alala ni Rhian sa iba pang karanasan niya sa 'Stairway to Heaven' sa video na ito.


Samantala, mapapanood ang Stairway to Heaven bilang bahagi ng special enhanced community quarantine programming ng GMA Network.

Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, 3:25 pm sa GMA Afternoon Prime.