Showbiz News

'LaLola,' malaki ang naitulong sa acting ni Rhian Ramos

By Marah Ruiz

Malaking impluwensiya para kay Kapuso actress Rhian Ramos ang 2008 series na LaLola na base sa isang Argentine series na may parehong pamagat.

Nakatambal ni Rhian dito ang aktor na si JC de Vera.

Comedic acting man ang kinailangang gawin dito ni Rhian, dito daw niya nasimulang pagbutihin ang kanyang pag-arte.

"'Yung first ever scene ko kasi na naramdaman ko na ganoon pala 'yung acting, 'yung naisip ko ka nandoon talga ako and I'm not just saying my lines, was one of the scenes in 'LaLola,'" kuwento ni Rhian sa piling miyembro ng media kabilang ang GMANetwork.com.

Nakatulong daw ito nang mabuti noong first-time niyang sumabak bilang isang dramatic actress sa 2009 Philippine adaptation ng seryeng Stairway to Heaven.

"It was so good that I had that feeling of being inside of the scene, right before doing 'Stairway to Heaven.' Kasi then, 'yung pina-practice ko is how do I turn every single scene into that feeling na kahit anong ibigay sa 'yo kaya mong mag-react, " pahayag niya.

"Kahit batuhin ka pa nila, nang ibang line, kunwari wala sa script yung line na ibabato sa 'yo, paano ka magre-react if you're that person. Never kaming nag-cut sa 'Stairway to Heaven," dagdag pa niya.

Naging practice daw nila noon sa set ang pag-a-adlib at hindi pagka-cut sa mga eksena.

"Bago siya for me pero 'yun 'yung naging practice namin. We never cut. Kunwari ibabato na linya sa akin wala sa script, hindi ko sasabihin 'Ah wala po 'yun sa script. Ano po 'yun?' Walang ganoon. Or kunwari sasampalin ka nang wala sa script, walang cut cut. Just be Jodi. How would Jodi react?" aniya.



Samantala, mapapanood ang Stairway to Heaven bilang bahagi ng special enhanced community quarantine programming ng GMA Network.

Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, 3:25 pm sa GMA Afternoon Prime.