TV

Rhian Ramos, ginusto bang makilala ang Korean leads ng 'Stairway to Heaven?'

By Marah Ruiz

Pinanood ni Kapuso actress Rhian Ramos ang 2003 South Korean series 'Stairway to Heaven' bilang paghahanda sa 2009 Philippine adaptation nito kung saan gumanap siya bilang bidang si Jodi.

Katambal niya dito si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes an gumanap naman bilang Cholo.

Sa isang panayam kabilang ang ilang piling miyembro ng media, kasama ang GMANetwork.com, natanong si Rhian kung ginusto ba niyang ma-meet ang lead stars ng orihinal na serye.

Si Choi Ji-woo ang gumanap bilang Jodi habang si Kwon Sang-woo ay si Cholo sa South Korean series.

"I did, kasi marami kaming feelings na parehas naming pinagdaanan. 'Yung mga nangyayari sa show parang nangyayari na rin sa 'yo 'pag ikaw 'yung nagpo-portray noong role. Feeling ko makaka-relate kami on that level," pahayag ni Rhian.

"May mga things na gusto ko itanong like noong time na 'to sa script, noong nangyayari 'to, anong naramadaman mo sa personal life mo noong time na 'yun?" dagdag pa niya.

Pero hindi na raw sinubukan ni Rhian na kontakin ang mga ito.

"I have very little knowledge about being a Korean idol or what they call it. I don't know if we can both speak the same language. Hindi ko alam kung kumportable siya. I've become curious because we've felt the same things but I never tried. Never ko siyang in-email or anything," aniya.

Panoorin ang buong panayam ni Rhian dito:



Samantala, mapapanood ang Stairway to Heaven bilang bahagi ng special enhanced community quarantine programming ng GMA Network.

Rhian Ramos, ninerbiyos sa throwback na buhok, makeup at damit sa 'Stairway to Heaven'

Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, 3:25 pm sa GMA Afternoon Prime.