TV

Pagbabalik-tanaw ni Cholo sa magagandang alaala ni Jodi sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Inalala ni Cholo (Dingdong Dantes) si Jodi (Rhian Ramos) habang nasa kanilang bahay sa tabing dagat kung saan marami silang magagandang alaala.

Idinaan niya ang kanyang pagluluksa sa pamamagitan ng pagtugtog ng piano, kasabay ng pagbabalik-tanaw niya sa mga panahong kasama niya si Jodi.

Hindi alam ni Cholo na nasa paligid lamang ang kanyang kababata habang kasama ang nobyo nitong si Tristan (TJ Trinidad).

Muli kayang pagtatagpuin ng tadhana ang dating magkasintahan?

Balikan ang mga eksenang 'yan sa episode 12 ng Stairway To Heaven:

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.