TV

Muling pagkikita nina Cholo at Jodi sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa episode 15 ng Stairway To Heaven, nabuhay ang pag-asa ni Cholo (Dingdong Dantes) na muling makasama si Jodi (Rhian Ramos) matapos niya itong makita sa Eldar's Kingdom.

Hindi na pinalampas ng binata ang pagkakataon na muling hagkan ang kanyang kababata nang makita niya itong nakasakay sa carousel.

Makilala kaya ni Jodi si Cholo ngayong mayroon siyang amnesia?

Balikan ang mga eksenang 'yan dito:

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.