TV

Pananakot ni Eunice kina Cholo at Jodi sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa episode 49 ng Stairway To Heaven, tumakas sa ospital si Eunice (Glaiza De Castro) para puntahan sina Cholo (Dingdong Dantes) at Jodi (Rhian Ramos).

Tila nasiraan na ng bait si Eunice dahil tinakot niya ang magkasintahan na magpapakamatay siya sa harap ng mga ito, gamit ang kutsilyo.

Maudlot kaya ang kasal nina Cholo at Jodi dahil dito?

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.