TV

Pag-amin ni Tristan kay Jodi sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa episode 24 ng Stairway To Heaven, ibinunyag na ni Tristan (TJ Trinidad) kay Jenna (Rhian Ramos) na Jodi ang tunay nitong pangalan matapos pagselosan si Cholo (Dingdong Dantes).

Nag-away ang magkasintahan dahil sa huli kaya minabuti ni Jodi na mag-resign na sa pinapasukang kumpanya na pagmamay-ari ni Cholo.

Tanggapin kaya ng huli ang resignation request ng dalaga?

Balikan ang eksenang 'yan dito:

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.


Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.