TV

Unti-unting paglalapit nina Cholo at Jenna sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa epsiode 32 ng Stairway To Heaven, hindi nakuhang makipagkita ni Jenna (Rhian Ramos) sa kanyang nobyong si Charlie (TJ Trinidad) para makipag-ayos dahil sa pagiging abala sa inoorganisang fashion show.

Nagpumilit si Jenna na umalis sa venue pero hindi siya pinayagan ng kanyang mga katrabaho dala ng stress.

Samantala, tila nawawalan na ng pag-asa si Eunice kay Cholo matapos makipaghiwalay ng binata.

Balikan ang eksenang 'yan dito:

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.