TV

Paninira ni Tristan kay Jodi sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Kasabay ng pagbalik ng mga alaala ni Jodi (Rhian Ramos), sinira ni Tristan (TJ Trinidad) ang kanyang nobya sa boss nitong si Cholo (Dingdong Dantes).

Nagsinungaling si Tristan kay Cholo na plano nila ni Jenna na mapalapit sa kanya dahil kamukhang-kamukha siya ni Jodi.

Ayon pa sa pintor, ginawa lamang nila ito para makapagnakaw ng pera sa kumpanya.

Paniwalaan kaya ni Cholo ang mga sinabi ni Tristan?

Balikan ang eksenang 'yan sa episode 40 ng Stairway To Heaven.

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.