TV

Pagtataboy ni Cholo kay Jodi sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa Episode 42 ng Stairway To Heaven, sinubukang puntahan ni Jodi (Rhian Ramos) ang kanyang amang si Jovan (Jestoni Alarcon) sa kanilang bahay ngunit sina Maita (Jean Garcia) at Eunice (Glaiza De Castro) ang sumalubong sa kanya.

Pinatapon ng mag-ina ang tunay na Reyes sa labas, ngunit nakalayas din at humingi ng tulong kay Cholo (Dingdong Dantes).

Sa kasamaaang palad, hindi pinaniwaalan ni Cholo si Jodi nang sinabing nitong nagbalik na ang kanyang alala dahil sa isyu ni Jenna, ang bagong pangalan na ibinigay ni Tristan (TJ Trinidad) sa dalaga nang magka-amnesia ito, sa kumpanya.

Tuluyan na bang tatanggapin ni Cholo na patay na ang kanyang kababata?

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.