TV

Muling pag-alok ni Cholo ng kasal kay Jodi sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa episode 48 ng Stairway To Heaven, humanap ng paraan si Maita (Jean Garcia) para ianunsyo sa publiko ang pagpapakasal ni Cholo (Dingdong Dantes) kay Eunice (Glaiza De Castro).

Gayunpaman, hindi nagpadala ang binata sa mga binitawang salita ni Maita dahil hiwalay na sila ng anak nito, at saka sinorpresa si Jodi (Rhian Ramos) ng isang wedding proposal.

Hindi nagustuhan ni Jovan (Jestoni Alarcon) ang inasta ng kanyang asawa kaya minabuti niyang pauwiin na lang ito.


Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.


Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.