TV

Desisyong sisira sa relasyon nina Cholo at Jodi sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa episode 50 ng Stairway To Heaven, nagmakaawa si Maita (Jean Garcia) kay Jodi (Rhian Ramos) na ibalik si Cholo (Dingdong Dantes) kay Eunice (Glaiza De Castro) matapos magtangkang magpakamatay.

Dahil nag-aalala sa kalagayan ng huli, pumayag naman si Jodi sa pakiusap ng kanyang stepmother, ngunit hindi ito nagustuhan ni Cholo.

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.