TV

Pagbalik ni Jodi kay Tristan sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa episode 58 ng Stairway To Heaven, gumawa ng desisyon si Jodi (Rhian Ramos) na makakaapekto sa relasyon nila ni Cholo (Dingdong Dantes).

Dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang paghihirap ng huli, pinili ni Jodi na iwan ang kanyang nobyo at sumama kay Tristan.

Hindi rin niya sinabi ang kondisyon ng kanyang kalusugan para hindi na siya intindihin ni Cholo.

Tama kaya ang desisyon ni Jodi na bumalik kay Tristan para maibsan ang paghihirap ni Cholo ngayong may eye cancer ang dalaga?

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.