TV

Patuloy na paglabo ng paningin ni Jodi sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos

Sa episode 60 ng Stairway To Heaven, patuloy ang paglabo ng paningin ni Jodi (Rhian Ramos) dahil sa sakit na eye cancer.

Dahil sa awa, tinawagan ni Tristan (TJ Trinidad) si Cholo (Dingdong Dantes) para ipaalam ang kondisyon ni Jodi ngunit pinigilan siya ng dalaga.

Samantala, sinisi ni Tristan si Eunice (Glaiza De Castro) sa pagkabulag ni Jodi dahil palagay niya ay epekto ito ng pananagasa ng kanyang kapatid kay Jodi noon.

Binabaan naman ni Tristan ang kanyang pride at humingi rin ng tulong kay Eunice para maipagamot si Jodi ngunit tinanggihan siya ng kanyang kapatid.

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.