TV

WATCH: Vlogger na si Edric Go, sinubok ang kapalaran sa 'StarStruck'

By Maine Aquino

Isang vlogger na mayroong almost 70,000 subscribers ang sinubukan ang kapalaran sa StarStruck para maabot ang kanyang pangarap na maging artista.

Vlogger Edric Go

Kuwento ng ni Edric Go, siya ay nagsimula sa YouTube five months ago lamang.

Ang pagiging vlogger umano ang naisip niyang paraan para makamit ang pangarap na maging artista.

"Nag-vlog po ako dahil I saw it as a stepping stone na rin sa pagpasok sa showbiz.

“Tumaas po 'yung mga followers ko dahil gusto nila kung ano po 'yung ipinapakita ko, 'yung ginagawa ko,” ani Edric.

Samantala, ibinahagi rin ni Edric ang kaniyang buhay pamilya, na nagsisilbing inspirasyon niya.

Gusto raw niya mag-artista para masuportahan ang kaniyang kapatid na may kapansanan.

"My parents are separated. 'Di ko po na-experience na magkasama po 'yung magulang ko sa isang bahay.

“'Yung bunso ko pong kapatid sa mom ko, he was born premature. He's blind. '

“Yun nga po kaya rin po gusto kong pasukin ang showbiz kasi ito po talaga ang nakikita ko na trabaho ko to support my brother,” kuwento ni Edric.

Dagdag pa niya, "Ang naiisip ko po bakit 'yung kapatid ko pa 'yung ganun. Bakit kapatid ko pa 'yung kailangan to be born like that? Pero I'm taking him as a blessing; Angel po siya."

Nang matapos si Edric sa kaniyang pag-audition, ibinahagi niya ang kanyang #TheStarStruckExperience.

Sabi niya, "Masaya po pala ng experience talaga. I will never forget po 'yung audition ko po dito sa StarStruck."