TV

WATCH: 'StarStruck' Season 7 council, ipinakilala na!

By Jansen Ramos

Ginulat ng reality-based artista search na StarStruck ang sambayanan matapos ibunyag ang mga hurado para sa ika-pitong season nito.

Heart Evangelista, Cherie Gil at Jose Manalo

Umani ng papuri mula sa netizens ang pagpili ng programa kina Heart Evangelista, Cherie Gil at Jose Manalo bilang powerhouse council na siyang huhubog sa mga talento ng StarStruck hopefuls.

Anila, kumpletos rekados ito dahil maibabahagi ng tatlong batikang aktor ang kanilang expertise pagdating sa fashion, drama, at pagpapatawa.

Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng StarStruck ngayong Hunyo sa GMA Network.