TV

WATCH: Cherie Gil's 'Don't Call Me Tita' sends chills down the spine 

By Jansen Ramos

Kinilabutan kaagad ang netizens kay La Primera Kontrabida Cherie Gil matapos mapanood ang teaser ng StarStruck Season 7 council reveal.

Cherie Gil


Lalong na-excite ang netizens na mapanood ang pagbabalik ng reality-based artist search pagkatapos ng halos apat na taon, matapos bigkasin ng batikang aktres ang linyang "Don't call me 'Tita!'"

Dahil na rin sa kanyang mga nanlilisik na mata, pinatunayan lang ni Cherie na dapat siyang katakutan ng mga susunod na StarStruck hopefuls.

Patikim pa lang 'yan kaya huwag palampasin ang muling pagsisimula ng StarStruck ngayong Hunyo sa GMA.