TV

WATCH: Final 14 ng 'StarStruck,' inanunsyo na!

By Cara Emmeline Garcia

Kumpleto na ang Final 14 ng original Kapuso artista search na StarStruck.

Ang bumubuo ng Final 14 ay sina Pamela Prinster, Angelic Guzman, Dani Porter, Ella Cristofani, Shayne Sava, Lexi Gonzales, Rere Madrid, Abdul Rahman, Karl Aquino, Kim de Leon, Gelo Alagban, Jeremy Sabido, Jerick Dolormente, at Allen Ansay.

Sila ay maglalaban-laban upang maging StarStruck 7's Ultimate Male at Female Survivor.

IN PHOTOS: StarStruck's road to Final 14

At dahil patindi na nang patindi ang kompetisyon, inamin ni StarStruck Council Cherie Gil na nag-e-enjoy siya kahit challenging ang role bilang judge sa reality show lalo na pagdating sa pagtanggal sa artista hopefuls.

Ang kaniyang pagiging straight to the point tuwing nagbibigay ng komento raw ay ang kaniyang paraan para mas pagbutihan pa ng bawat hopeful ang kani-kaniyang talento.

“Ewan ko ba kung bakit akala nila fierce ako. E, honest lang naman,” aniya.

“I try to be as charming and as gentle as possible with my words pero painit nang painit na ang labanan.”

Panoorin ang ulat ni Cata Tibayan:

WATCH: Heart Evangelista, may payo sa mga hindi pinalad na manalo sa mga contest

WATCH: Kyline Alcantara raids Heart Evangelista's dressing room and bag