TV

WATCH: Eliminated 'StarStruck' hopefuls, gusto muling sumali sa kompetisyon

By Jansen Ramos

Hindi maikubli ang kalungkutan sa mga mata ng apat na StarStruck hopefuls matapos ma-eliminate sa reality-based artista search.

Nabigong makapasok sa Top 14 sina Maynard Fullido, Jenelle Lewis, MJ Felizarta, at Radson Flores.

Bagamat maagang natanggal sa kompetisyon, labis pa rin ang kanilang pasasalamat dahil isang malaking oportunidad para sa kanila ang makapasok sa Top 22.

Kung mabibigyan ng ikalawang pagkakataon, nais pa rin daw nilang ipagpatuloy ang kanilang pangarap na maging ganap na artista sa pamamagitan ng muling pagsali sa StarStruck sa susunod nitong season.

IN PHOTOS: StarStruck's road to Final 14

Alamin ang kabuuan ng kanilang kwento sa June 24 episode ng Inside StarStruck: