TV

'StarStruck' council, may payo para sa Final 14

By Maine Aquino

Ngayong ipinakilala na ang Final 14 ng StarStruck season 7, magsisimula na rin ang pagharap nila sa iba't ibang challenges sa pagpapatuloy ng kanilang artista journey.

Para ma-inspire ang Final 14, nagbigay ang StarStruck council na sina Heart Evangelista, Cherie Gil, at Jose Manalo ng ilang payo.

Saad ni Heart, "We look forward to all the challenges. We look forward to everything that you're going to be, after the challenges."

Dagdag naman ni Cherie, "Challenge yourself, get out of the box, and push it!"

Para kay Jose, importante ring paalalahanan ng Final 14 ang kanilang mga tagahanga tungkol sa pagsali nila sa competition.

"Pakisabi na lang sa mga taong humahanga sa inyo, 'wag nila masyadong seryosohin.

“Dapat tanggapin nila kung ano ang magiging desisyon pagdating sa huli."




Abangan ang Final 14 sa Inside StarStruck tuwing Monday to Friday at 6:00 p.m.

Tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl at Linggo pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko sa GMA Network.