TV

WATCH: Rere Madrid, Ella Cristofani, Lexi Gonzales, and Shayne Sava reveal their deep dark secrets

By Maine Aquino

Walang sikretong hindi nabubunyag sa ating StarStruck Insider na si Kyline Alcantara.

Rere Madrid, Ella Cristofani, Lexi Gonzales, and Shayne Sava

Sa June 26 episode ng Inside StarStruck, ipinakilala ng StarStruck Hopefuls na sina Rere Madrid, Ella Cristofani, Lexi Gonzales, at Shayne Sava ang kanilang mga sarili kay Kyline sa isang "super final audition." Dito ay inihayag ng girls ang ilang detalye tungkol sa kanila, pati na rin ang kanilang deepest darkest secrets.

Ano kaya ang mga ito? Panoorin sina Rere, Ella, Lexi at Shayne sa Inside StarStruck.