TV

EXCLUSIVE: Jeremy Sabido, bittersweet ang pagkapasok sa Final 14

By Aedrianne Acar

May kurot sa puso ang kuwento ng StarStruck hopeful na si Jeremy Sabido, na isa sa pitong hopefuls na nakapasok sa Final 14.

Inspirasyon ng guwapong binata ang apat niyang kapatid at kanilang adoptive father sa StarStruck journey niya para makamit ang titulong Ultimate Male Survivor.

Sa panayam ng GMANetwork.com, umamin si Jeremy na bittersweet ang pagpasok niya sa Top 14.

Paliwanag niya, “Kasi,natagalan yung council mag-decide kung sino sa amin, nung tinawag ako, napaiyak talaga ako kasi magaling yung kalaban ko talaga.”

Ang tinutukoy ni Jeremy ay ang kapwa niya hopeful na si Maynard Fullido.

“Close fight po, sobrang galing niya.

“Naiyak ako, 'tapos niyakap ko siya kasi nalungkot din ako kasi kaibigan ko din siya,” pag-alala ni Jeremy.

Samantala, iba-iba ang impression ni Jeremy sa StarStruck council, na binubuo nina multi-awarded actress na si Ms. Cherie Gil, 'Queen of Creative Collaboration' Heart Evangelista, at Eat Bulaga star Jose Manalo.

Sobrang natutuwa si Jeremy sa mga hirit ni Jose Manalo, samantalang nakakakaba naman daw si Cherie Gil.

Aniya, “'Pag kay Ms. Cherie talaga, maiihi ka talaga, sobrang nakakakaba.”

Nakakataba naman daw sa puso ang mga payo ng Kapuso fashion darling Heart Evangelista.

“Si Ms. Heart (Evangelista) positive ang mga salita, nagpapayo din.”

Panoorin ang final audition ni Jeremy Sabido rito: