TV

EXCLUSIVE: Karl Aquino, ibinahagi ang pinakamatinding makakalaban sa 'StarStruck'

By Maine Aquino

Ang isa sa Final 14 Hopefuls na si Karl Aquino ay labis na natutuwa na nakapasok siya sa StarStruck season 7.

Karl Aquino

Saad ni Karl, "Sobrang tuwa ko po nong nakapasok ako sa Top 14."

Nangangako naman si Karl na gagawin niya ang lahat para patunayan ang kanyang sarili lalo na sa mga haharapin nilang mga artista tests.

"Gagawin ko 'yung best ko. Hahasain ko kung ano 'yung dapat na gawin. Effort dapat, kasi kung ano ang gusto mo, gagawan mo ng paraan para makamit 'yung pangarap mo."

Kahit pito silang male Hopefuls na magtutunggali para sa titulong Ultimate Male Survivor, para kay Karl ay ang kanya pa ring sarili ang matindi niyang kalaban sa kompetisyon.

Kuwento niya, "Sarili ko ang pinakamalakas na kalaban ko, kasi siyempre may mga weak spots rin ako. 'Yung 'yung kinakatakutan ko."

StarStruck: Karl Aquino | Final Audition

Bilang isang StarStruck Hopeful ay natutunan umano ni Karl ang importansya ng pagiging professional sa lahat ng makakatrabaho sa showbiz.

"Dapat marunong kang makisama sa lahat ng tao and be professional kasi kumbaga sila 'yung mga makakatrabaho mo. Dapat magaling ka makisama and be professional at all times."

Panoorin ang Final 14 sa Inside StarStruck tuwing Monday to Friday at 6:00 p.m. sa StarStruck YouTube channel.

Abangan rin sila sa StarStruck tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl at Linggo pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko sa GMA Network.