TV

'StarStruck' reveals first twist for season 7 | Ep. 6

By Maine Aquino

Safe ang Final 14 dahil sa non-elimination episode na ginanap sa StarStruck nitong June 30.

Pagkatapos ng performance nina Rere Madrid at Allen Ansay, Jeremy Sabido at Pamela Prinster, Ella Cristofani at Gelo Alagban, Jerick Dolormente at Lexi Gonzales, ibinahagi na ni Jennylyn Mercado ang biggest twist this season.

Ngayong season 7 ay muling magbabalik ang ilang eliminated hopefuls para sa second chance challenge. Ang dalawang spot na iiwanan ng female and male Artista Hopeful sa next elimination ay paglalabanan nina Marc David, Crystal Paras, Radson Flores, Janelle Lewis, Maynard Fullido, at Kyle Lucasan.

Abangan ang patindi nang patindi na laban sa StarStruck tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl at Linggo pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.