TV

Radson Flores at Ella Cristofani, eliminated na sa 'StarStruck'

By Cara Emmeline Garcia

Last week, sumabak ang natitirang Artista Hopefuls ng StarStruck sa iba't ibang challenges sa direksyon ni Dominic Zapanta kasama si Kapuso actress Jean Garcia.

Radson Flores and Ella Cristofani

Napunta sa bottom two sina Radson Flores at Lexi Gonzales, at napasabak kasama ang last week's bottom two na sina Ella Cristofani at Jeremy Sabido sa isang acting challenge.

Sa huli, nagpaalam na sina Radson Flores at Ella Cristofani sa Kapuso artista reality search.

Backstage, hindi napigilan ng dalawa ang emosyon na nararamdaman.

Bahagi ni Ella, “Para sa akin, baka it's really not for me.

“Malay mo there's something in store for me 'cause at the end of the day, para sa akin po, big deal pa rin po [na makasama sa StarStruck].”

Dagdag pa ni Radson, “We were all under the impression na 'pag natanggal ka sa StarStruck tapos na 'yung journey mo sa pag-aartista.

“Pero naisip ko na, hindi at stepping stone lang ito.”

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel:

WATCH: Balikan ang pinagdaanan ng Artista Hopefuls sa 'StarStruck' Season 7

StarStruck's double elimination and last chance challenge | Teaser Ep. 17