TV

Ella Cristofani and Radson Flores, inaming nararapat sina Lexi Gonzales at Jeremy Sabido sa 'StarStruck' Final 8

By Maine Aquino

Nitong August 10 and 11, hindi lamang action test ang hinarap ng StarStruck artista hopefuls dahil dumaan rin sila sa last chance challenge kung saan natanggal sina Ella Cristofani at Radson Flores.

Ella Cristofani and Radson Flores,

Sa last chance challenge ay nakalaban nina Ella at Radson sina Lexi Gonzales at Jeremy Sabido. Naging emosyonal man sina Ella at Radson, inamin naman nilang karapat-dapat sina Lexi at Jeremy sa Final 8 ng StarStruck.

Radson Flores at Ella Cristofani, eliminated na sa 'StarStruck'

Ayon kay Ella, "Noong nalaman ko po na si Lexi ang nakapasok, para po sa akin, deserve po kasi talaga niya."

Dagdag pa ni Ella, naniniwala siyang ang chance na ito ay itinadhana para kay Lexi.

"Nakita ko si Lexi kung gaano niya kagusto ito, she has a bright future. Maybe this chance is for her, baka it's not for me... Happy ako kasi nakita ko kung gaano niya kagusto ito. Nakita ko kung gaano siya nagpupursige."

Si Radson naman ay ibinahagi na ibibigay niya ang kanyang spot kay Jeremy sakaling siya ang napili para sa Final 8.

"Kahit ako 'yung manalo, ayoko talaga na matanggal si Jeremy dito sa show."

Alam din umano ni Radson ang pinagdadaanan ni Jeremy kaya gusto niyang manalo sa StarStruck.

"Alam ko po kasi talaga yung pinagdadaanan ni Jeremy, alam ko po 'yung hardships ng buhay niya. 'Yung mga pinaghuhugutan niya po ng emotions sa acting challenge."

Panoorin ang kabuuan ng kanilang kuwento sa Inside StarStruck pati na rin ang kanilang mensahe para sa StarStruck Final 8.