TV

Jeremy Sabido says goodbye to 'StarStruck' | Ep. 20

By Maine Aquino

Nitong August 18 ay nagpaalam na sa StarStruck Season 7 si Jeremy Sabido.

Si Jeremy ay ang Artista Hopeful na nakakuha ng lowest combined scores mula sa council at sa viewers kaya na-eliminate siya sa competition.

Bago pa man nagpaalam si Jeremy sa StarStruck ay nagpasalamat siya sa kanyang pamilya at supporters na bumoto sa kanya.

Nagpasalamat din si Jeremy sa StarStruck at sa council sa kanilang naibigay na tulong sa kanyang artista journey.

"Salamat po sa lahat sa staff po ng StarStruck na lagi pong nandiyan. Sa mga council po, marami pong salamat sa inyo. Patuloy po kayo na nagtuturo po sa akin na kung paano po 'yung gagawin ko and babaunin ko po 'yun. Maraming maraming salamat."