TV

Lexi Gonzales reveals her edge against Shayne Sava in 'StarStruck'

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Lexi Gonzales ang kanyang edge laban kay Shayne Sava, na kanyang makakatunggali sa nalalapit na pagtatapos ng StarStruck.

Lexi Gonzales

Sina Lexi at Shayne ay ang maglalaban para sa titulong Ultimate Female Survivor ngayong Sabado at Linggo sa Final Judgment ng StarStruck season 7.

"I know more about acting compared to Shayne because I've read a lot of acting books before," sabi ni Lexi, ginanap na media conference Final 4 ng StarStruck kahapon, September 11.

Dagdag pa ni Lexi ay hanggang ngayon ay patuloy siya sa pag-aaral para i-improve ang kanyang acting skills.

"Until now may mga binabasa pa rin akong acting books na nadi-discover ko which adds up sa learning ko."

Abangan ngayong September 14 at 15 ang Final Judgment ng StarStruck season 7.