TV

WATCH: Team Allen at Team Kim, ipaglalaban ang titulong 'StarStruck' season 7 Ultimate Male Survivor

By Maine Aquino

Sa Inside StarStruck, ang fans nina Allen Ansay at Kim De Leon naman ang maglalaban para sa debate kung sino ang nararapat na maging Ultimate Male Survivor ng StarStruck.

Allen Ansay, Kyline Alcantara, at Kim De Leon

Nagbigay ng kanya-kanyang opinyon ang fans nina Allen at Kim kung bakit nararapat na maging Season 7 Ultimate Male Survivor ang kanilang idolo. Ibinahagi rin nila kung bakit nag-stand out ang kanilang mga pambato sa original reality-based artista search.

Panoorin ang mainit na diskusyon ng Team Allen at Team Kim sa Inside StarStruck.