TV

Bea Alonzo, masaya sa loob ng 'Start-Up Ph' set

By EJ Chua

Ang 'This Generation's Movie Queen' na si Bea Alonzo ay malapit nang mapanood sa GMA Telebabad!

Noong nakaraang linggo, ibinahagi ni Bea sa 24 Oras ang ilang detalye sa mga kasalukuyan niyang pinagkakaabalahan bilang isang aktres.

Isa na rito ang kaniyang nararamdaman tuwing nasa taping siya ng Start-Up Ph, ang pinakabagong drama series na malapit nang ipalabas sa Kapuso Network.

Pagbabahagi ni Bea, “I enjoy working with Tita Gina Alajar, with Alden, sina Yasmien and Jeric, masaya.”

Panoorin ang buong detalye sa naging interview kay Bea Alonzo sa report na ito:

Dalawang buwan lamang ang nakalipas, nakapanayam ng GMANetworkcom ang aktres at naibahagi nito na handang-handa na siya para sa pinakaunang seryeng pagbibidahan niya sa GMA-7.

Kuwento ni Bea, “Sa ngayon, I have a lot of dreams to achieve pa rin. Ngayon, nagsisimula pa lang ako sa GMA. I'm just about to do my teleserye with them and I am very very much excited. Nagsisimula pa lang tayo malayo pa 'yung lalakbayin natin.”

“Siyempre, dahil first time ko sa GMA, excited akong makilala 'yung mga bagong tao na ma e-encounter ko sa GMA. I'm also looking forward to working with Alden (Alden Richards). I'm looking forward to meeting new faces and doing scenes with these people, talented writers and directors,” dagdag pa ni Bea.

Abangan ang acting skills ni Bea Alonzo at ang ilan pang mahuhusay na aktor sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up, malapit nang mapanood sa GMA.

Samantala, silipin ang most-viewed vlogs ni Bea Alonzo sa gallery na ito: