
Bukod sa lead stars ng Start-Up Ph, abangan din ang seasoned actresses na sina Ayen Munji-Laurel at Lovely Rivero sa programa.
Si Ayen ay gaganap bilang si Alice Cortez Diaz (Cha Ah Hyun), ang ina nina Danica at Katrina, ang mga karakter na gagampanan ng Kapuso stars na sina Bea Alonzo at Yasmien Kurdi.
Matatandaang huling napanood si Ayen sa drama series na My Destiny na ipinalabas sa GMA noong 2020.
Ang aktres naman na si Lovely Rivero ay mapapanood sa Philippine adaptation ng
Start-Up bilang si Dang Navarro, ang very supportive na ina ni Davidson "Dave" Navarro, ang karakter na bibigyang buhay ng award-winning actor na si Jeric Gonzales.
Siya rin ang maybahay ni Samuel Navarro, ang karakter na gagampanan naman ng aktor na si Niño Muhlach.
Si Lovely ay napanood sa napakaraming GMA shows tulad na lamang ng Alice Bungisngis and her Wonder Walis (2012), The Half Sisters (2015), Sahaya (2019), First Yaya (2021), at marami pang iba.
Abangan ang mom roles nina Ayen at Lovely sa nalalapit na pagpapalabas ng Start-Up Ph sa GMA Telebabad!
SAMANTALA, KILALANIN ANG STAR-STUDDED CAST NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: