
Ilang tulog na lang at mapapanood n'yo na ang mga magagaling na aktor ng Start-Up PH sa GMA Telebabad.
Isa na rito si Ayen Munji-Laurel na mapapanood sa serye bilang si Alice, ang ina nina Danica at Katrina, ang mga karakter na gagampanan nina Bea Alonzo at Yasmien Kurdi.
Isa si Ayen sa mga dumalo sa Start-Up PH Grand Event, na ginanap sa Robinsons Galleria noong Sabado, September 17.
Dito, tinanong ang aktres tungkol sa mga eksena niya sa serye kasama ang Kapuso actresses na sina Bea at Yasmien.
Masayang sinagot ng seasoned actress, “Alam n'yo, isang dream come true talaga na makatrabaho sina Bea at [Yasmien]. Si Yasmien, naka-work ko na siya sa Amaya, bagets pa no'n batang-bata pa and I've seen and witnessed how mature an actress she has become.”
Dagdag pa niya, “Si Bea, masarap katrabaho dahil isang star na bumaba sa lupa, napaka-down-to-earth in a good way. Akala ko noong una, mai-intimidate ako kasi Bea Alonzo 'yan, ano? 'Tapos, siya pa ang unang lumapit, we make chika about anything under the sun.”
Panoorin ang ilang naging kaganapan sa premiere event ng Start-Up PH DITO:
Embed: https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/start_up_ph/videos/#168515
Matatandaang huling napanood si Ayen sa drama series na My Destiny, na ipinalabas sa GMA noong 2020.
Bukod kina Ayen, Bea, at Yasmien, mapapanood din sa upcoming GMA drama series ang mga aktor na sina Alden Richards, Jeric Gonzales, Ms. Gina Alajar, at marami pang iba.
Huwag palampasin ang world premiere ng Start-Up PH, mapapanood na sa September 26, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad!
SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA SUCCESSFUL PREMIERE EVENT NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: