GMA Logo Start-Up PH
What's on TV

'Start-Up PH' reaches 100 million views on TikTok

Published October 20, 2022 6:29 PM PHT
Updated October 21, 2022 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 130 families in Tent City in Cebu get Christmas gifts
Tindera reveal ng TikToker, plot twist na kinaaliwan ng netizens | GMA Integrated Newsfeed
'Love You So Bad,' ngayong December 25 na

Article Inside Page


Showbiz News

Start-Up PH


Thank you for dreaming with us, mga Kapuso!

Halos apat na linggo na ang nakalilipas nang simulang ipalabas sa GMA ang Start-Up PH, ngunit ramdam na ramdam pa rin ang mainit na suportang ibinibigay ng mga manonood sa serye.

Bukod sa ratings ng programa na kadalasang pumapalo sa 9 percent, humahakot rin ngayon ng napakaraming views ang ilang videos ng serye na napapanood ng users sa TikTok.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 100 million views ang Start-Up PH sa sikat na video-sharing application.

Isa sa videos ng programa na pumatok sa netizens ay ang muling pagkikita nina Lola Joy (Gina Alajar) at Tristan “Good Boy” Hernandez (Alden Richards).

May mga eksena ang kinagigiliwan ng mga manonood at may ilan din na nagpapaluha sa kanila.

Tulad na lamang ng eksena bago mamatay ang papa ni Dani (Bea Alonzo) na si Chito (Neil Ryan Sese).

Panoorin ang nabanggit na mga eksena sa episode na ito:

Sabay-sabay nating abangan ang mas kapana-panabik, mas nakakakilig at mas nakakaaliw na mga eksena sa Philippine adaptation ng 2020 hit Korean series na Start-Up.

Patuloy na subaybayan ang Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Mapapanood naman ito sa GTV tuwing Lunes hanggang Huwebes sa oras na 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman sa oras na 11: 00 p.m.

Samantala, mapapanood din ang bagong programa sa Kapuso Livestream at GMA PinoyTV.

Kung gusto mong balikan ang previous episodes ng serye maaaring bisitahin ang link na ito.

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: