TV

Start-up PH: Dani wants Stephanie to be one of her groupmates

By EJ Chua

Patindi nang patindi ang mga eksena sa ongoing GMA drama series na Start-Up PH.

Ngayong Martes ng gabi, mapapanood ng mga Kapuso kung anu-ano ang mga gagawin ni Danica “Dani” Sison (Bea Alonzo) upang makahanap ng mga magiging kagrupo niya sa SandboxPH.

Dahil hindi naka-graduate ng college si Dani, pagdududahan ng ilan sa TST boys ang kaniyang kakayahan.

Si Davidson naman, tila mapapaisip kung tama bang magkasama sila ni Dani bilang magkagrupo kahit na hindi na maayos ang kanilang samahan.

Habang naglilibot si Dani upang makahanap ng kagrupo, makikita niya ang babaeng minsan na niyang nakaalitan sa loob ng isang bookstore.

Siya si Stephanie Rios (Kim Domingo), isang matalino at mayamang babae.

Siya rin ay lawyer at designer.

Nang muling magkita ni Dani ang dalaga, kukumbinsihin niya itong sumali sa kaniyang grupo.

Dahil gustong gusto niyang magpatuloy sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap, gagawin ni Dani ang lahat upang makahanap ng mga taong sasama sa bubuuin niyang grupo.

Magtatagumpay kaya si Dani sa panghihikayat kay Stephanie?

Magiging magkaibigan na kaya ang dalawa?

Panoorin ang teaser na ito:


Abangan ang mga kasagutan at iba pang magiging kaganapan sa loob ng SandboxPH mamaya!

Samantala, mapapanood ang Start-Up PH mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.

Mapapanood din ang bagong programa sa Kapuso Livestream at GMA PinoyTV.

Maaari ring balikan ang previous episodes ng serye dito.

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: