TV

'Start-Up PH' lead stars, pinasaya at pinakilig ang mga Kapusong Dabawenyo

By EJ Chua

Star-studded cast ng Start-Up PH, nakatanggap ng mainit na suporta mula sa Dabawenyo 'Dreamers!'

Nito lamang November 30, 2022, dinagsa ang Kapuso Fans' Day ng GMA Regional TV sa Ayala Malls sa Davao City, kung saan personal na nakita ng mga Dabawenyo ang lead stars ng ongoing drama series na Start-Up PH.

Masayang-masaya ang mga Kapuso dahil present sa naturang event ang apat na bida sa serye na sina Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmien Kurdi, at Jeric Gonzales.

Unang nagpakilig ang Kapuso hottie na si Jeric Gonzales, ang gumaganap na Davidson 'Genius Boy' Navarro sa ongoing series.

Sinundan naman ito ng StarStruck alumna at award-winning actress na si Yasmien Kurdi, na kasalukuyang napapanood sa serye bilang si Katrina 'Ina' Diaz.

Nang mag-perform naman ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards, tila hindi magkamayaw ang fans dahil sa kilig na kanilang naramdaman nang makita nila nang personal ang gumaganap na Tristan 'Good Boy' Hernandez sa serye.

Pinagkaguluhan din sa mismong event ang movie icon at Kapuso actress na si Bea Alonzo, na napapanood sa programa bilang si Danica 'Dani' Sison.

Panoorin ang naging mainit na pagtanggap ng Dabawenyo Dreamers sa lead stars ng Start-Up PH sa video na ito:

Samantala, kamakailan lang ay lumibot sa New A. Bonifacio Market ang Start-Up PH stars na sina Jeric Gonzales at Kaloy Tingcungco para sa kanilang Palengke Tour.

Huwag palampasin ang mga kaganapan sa natitirang ilang linggo ng Start-Up PH, mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.

Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.

SILIPIN AT BALIKAN ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA START-UP PH GRAND EVENT SA GALLERY SA IBABA: