Mula noong September 26, 2022, napapanood na sa GMA Network ang 'Start-Up PH,' ang Pinoy adaptation ng hit Netflix Korean series na 'Start-Up.'
Ito ay pinagbibidahan ng Kapuso stars na sina Alden Richards at Bea Alonzo kasama sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales.
Bukod sa apat na lead stars, napapanood din sa Kapuso serye ang iba pang mga aktor tulad na lamang ng veteran actress na si Ms. Gina Alajar, Ayen Munji-Laurel, Nino Muhlach, Lovely Rivero, Boy 2 Quizon, Royce Cabrera, at marami pang iba.
Silipin ang happy set ng GMA drama series na 'Start-Up PH' sa gallery na ito.
Nito lamang April 2022, sinimulan na ang taping para Kapuso serye na 'Start-Up Ph.'
Handa na ba kayong kiligin muli sa tinaguriang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards?
Ang 'Start-Up Ph' ang pinakaunang drama series na pagbibidahan ng award-winning actress na si Bea Alonzo sa GMA Network.
Kaabang-abang ang role at excellent acting skills ng 'StarStruck' alumna at Kapuso actress na si Yasmien Kurdi.
Isa rin sa inaabangan ng mga Kapuso ay ang lead role ng award-winning actor at Kapuso hottie na si Jeric Gonzales.
Bukod sa apat na lead stars, mapapanood din sa pinakabagong serye ang veteran actress na si Gina Alajar.
Tiyak na marami ang makaka-relate sa relationship nina Lola Ligaya (Gina Alajar) at Dani (Bea Alonzo) bilang mag-lola.
Abangan ang nalalapit na pagpapalabas nito sa GMA Telebabad!
Samantala, kilalanin ang cast ng 'Start-Up Ph' sa gallery na ito:
Sino kaya kina Tristan aka “Good Boy” (Alden Richards) at Davidson (Jeric Gonzales) ang makakasungkit ng puso ni Dani (Bea Alonzo)?
Kapansin-pansin sa scene na ito na komportable na sa isa't isa ang Kapuso stars na sina Alden Richards at Bea Alonzo, kahit ito ang unang beses nilang pagsasama sa isang drama series.
Sino kaya ang binabantayan ng mga mata ni Lola Ligaya? Abangan!
Mukhang mas gaganahan sa trabaho ang lahat kung si Tristan “Good boy” Hernandez ang boss.
Ang gwapo pa rin ng boss na ito kahit seryosong nagtatrabaho.
Walang duda! Nag-e-enjoy si Direk Jerry Sineneng na makatrabaho sina Alden Richards at Bea Alonzo.
Excited na rin ba kayo sa sinabi ng 'Start-Up Ph' directors tungkol sa chemistry nina Alden Richards at Bea Alonzo?
Si Lola Joy (Gina Alajar) na nga ba ang most caring Lola in the world?
Nakaka-excite ang dramatic scenes nina Tristan (Alden Richards) at Dani (Bea Alonzo) together!
Abangan si Yasmien Kurdi bilang Katrina "Ina" Diaz (Seo In-jae/Won In-jae).
Ano kaya ang pina-practice ni Davidson "Dave" Navarro?
Maayos din kaya ang relationship ng mga karakter nila sa GMA drama series na 'Start-Up Ph?'
Makikilala si Jeric sa 'Start-Up Ph' bilang si Davidson "Dave" Navarro (Nam Do-san). Samantala, sina Boy 2 at Royce naman ay makikilala bilang sina Wilson Espiritu (Lee Chul-san) at Jefferson "Jeff" Katipunan (Kim Yong-san).
Bakit kaya parang problemado at malungkot si Dani (Bea Alonzo)?
Abangan ang heart-melting scenes nina Lola Joy (Gina Alajar) at Good boy (Alden Richards) sa Start-Up Ph.
Handa na ba kayo sa isa na namang kontrabida role ng aktor na si Gabby Eigenmann?
Meet the Navarro family, ang pamilya na very supportive sa isa't isa.
Hindi maikakaila na happy sa set ng 'Start-Up PH' ang award-winning actress at movie icon na si Bea Alonzo.
Kinikilig din ba kayo sa sweet scenes nina Bea Alonzo at Jeric Gonzales bilang Team DaDa (Dani at Davidson)?
Say hello to Ina Sison/Diaz (Yasmien Kurdi), ang strong at ambitious na kapatid ni Dani Sison (Bea Alonzo).
Sino kaya ang ka-date ni Tristan “Good Boy” Hernandez (Alden Richards)? Abangan ang eksenang ito!
Napanood n'yo ba kung paano nakipag-agawan ng libro si Stephanie (Kim Domingo) kay Dani (Bea Alonzo?
Para sa veteran actress na si Gina Alajar, isang happy set ang 'Start-Up PH.' Sa isang interview, ibinahagi niya na lagi siyang ganadong magtrabaho para naturang GMA drama series.
Say hi to Team Dani: (from left) Wilson Espiritu (Boy 2 Quizon), Stephanie Rios (Kim Domingo), Davidson Navarro (Jeric Gonzales), Dani Sison (Bea Alonzo), Jefferson Katipunan (Royce Cabrera).
Mukhang mga expert na sa hide and seek ang Three Sons Tech Boys na sina Davidson (Jeric Gonzales), Jefferson (Royce Cabrera), at Wilson (Boy 2 Quizon).
Mukhang malalim na naman ang iniisip ni Tristan! Sino kaya ang susunod niyang sesermonan?
Trivia! Bago mapabilang sa cast ng 'Start-Up PH' ang aktres na si Yasmien Kurdi, solid fan daw siya ng 'Start-Up,' ang Korean version ng serye.
Taas-kamay ng mga kinikilig sa Team TrisDan (Tristan at Dani), ang tambalan nina Alden Richards at Bea Alonzo sa 'Start-Up PH.'
Napanood n'yo rin ba ang elevator scene na ito na nag-trending sa social media?
Para kay Dani ba 'yang hawak mong coffee, Davidson?
Kapansin-pansin na komportable bilang magkatrabaho sa 'Start-Up PH' ang 'Bubble Gang' stars na sina Boy 2 Quizon at Kim Domingo.