TV

Katrina Halili, balik men's magazine sa Enero

By MARAH RUIZ


 
Matagal-tagal ring hindi lumulutang sa showbiz ang aktres na si Katrina Halili.

Ngunit sa nalalapit na 2015, bubuksan niya ang taon na may malaking pasabog.

Magpo-pose ulit si Katrina para sa men's magazine na suking-suki siya noon. Sa katunayan, cover pa siya ng isa rito ngayong parating na Enero.

Handa na raw si Katrina na makipagsabayan sa iba pang Kapuso hot mommas tulad nina LJ Reyes at Jennylyn Mercado na parehong nag-pose din para sa men's magazines kamakailan.

"Oo, ayokong mahuli! Sabi ko, sige na, push na para 2015 bago na!" ani Katrina.

"Sabi ko, 'Anak pasensya ka na ha? Promise hindi masyadong malaswa ito’," biro pa niya.

Sa ngayon, priority ni Katrina ang kanyang anak na si Katie, na ngayon ay two years old pa lamang.

"Parang hindi ko na kayang magbigay ng iba pang time sa ibang tao. Parang wala na kong time," wika niya.

Kumusta naman sila ng ama ni Katie at kanyang ex na si Kris Lawrence?

"Okay naman, nagbibigay naman siya kay Katie. Okay po kami," ani Katrina.