Nagsimula na ang lock-in taping ng "Loving Miss Bridgette," isa sa mga upcoming mini-series mula sa seryeng 'Stories from the Heart.'
Tampok dito sa Beauty Gonzalez bilang Bridgette de Leon, isang konserbatibong guidance counselor na bagong annul.
Para malimutan ang mapait na karanasan at magsimula muli, magbabakasyon siya sa sa La Cuenca.
Makakatambal ni Beauty sa serye si Kapuso actor Kelvin Miranda na gaganap bilang Marcus, isang binatang may pagka-pilyo.
Sa kabila ng agwat sa kanilang edad at maging estado sa buhay, magkakaroon ng isang secret love affair ang dalawa.
First time magkatrabaho nina Beauty at Kelvin.
Unang beses din nilang magkita sa personal nang mag-check in sila sa isang hotel para sa kanilang mandatory quarantine bago magsimula ang taping.
Silipin ang ilang eksena mula sa unang araw ng kailang lock-in taping sa gallery na ito:
Ang 'Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette' ang unang teleserye ni Beauty Gonzalez sa GMA.
Gaganap siya dito bilang Bridgette, isang konserbatibo at recently-anulled guidance counsellor.
Makakapareha ni Beauty sa serye si Kapuso actor Kelvin Miranda.
Gaganap naman si Kelvin bilang Marcus, isang may pagka-pilyong pre-med student.
Bahagi din ng serye ni Bing Loyzaga na gaganap bilang Stella, ang ovebearing na ina ni Marcus.
Si Adrian Alandy naman ay si Luther, isang coach sa eskuwelahan at katrabaho ni Bridgette.
Isang guro sa paaralan at BFF ni Bridgette na si Elsa ang role ni Tart Carlos.
Bahagi din ng serye si Pamela Prinster na gaganap bilang ex-girlfriend ni Marcus na si Abby. Best friend at kasabwat sa mga kalokohan niya si Nina, na gagampanan ni Shanicka Arganda.
Si Adolf Alix Jr. ang magsisilbing director ng mini-series.
Coffee break muna si Beauty in between takes.