TV

Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda, nag-collaborate para magpakilig sa 'Loving Miss Bridgette'

By Marah Ruiz

First time man magtatambal ng mga Kapuso stars na sina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda, kaya sinigurado raw nilang matutuwa ang mga manonood sa upcoming mini-series nilang Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette.

Kuwento ito ng recently anulled na si Bridgette (role ni Beauty) na magkakaroon ng summer fling sa mas batang lalaking si Marcus (role naman ni Kelvin).

Akala nila na mga alaala lang ng kanilang bakasyon ang maiuuwi nila. Pero magkakagulatan na lang ang dalawa nang magkita muli sila sa siyudad!

Guidance counselor kasi si Bridgette sa university kung saan pre-med student si Marcus.

Nagpapasalamat si Kelvin sa direktor ng serye na si Adolf Alix Jr. dahil naging susi ito sa magandang kinalabasan ng mga eksena nila ni Beauty.

"Nandiyan naman si Direk to guide us, lalo na ako kapag medyo may hindi ako naiintidihan sa eksena. Nagtatanong naman ako sa kanya," pahayag ni Kelvin.

Bukod dito, collaborative effort daw sa pagitan nila ni Beauty ang bawat eksena kahit first time pa lang nilang magkakatrabaho.

"Si Beauty naman nandiyan naman talaga siya to support me sa mga eksena na medyo nalilito ako. Ine-explain na rin sa akin kung paano 'yung dating sa isang babae kung papano ko siya i-deliver. Nagko-collab naman kami together so 'yun po 'yung pinaka nagamit namin para makuwento nang maayos 'yung pagtatambalan naming dalawa," paliwanag ng aktor.

Ayon naman kay Beauty, dama niya ang kilig sa ilang mga previews at maiikling clips na napanood niya.

"Nakakatuwa! Actually, nagulat nga ako kasi napanood ko na 'yung konting rushes sa mga promos natin. Nagulat ako na may kilig. Ako, kinilig ako. Siyempre 'pag nasa taping hindi ko na napapansin masyado," kuwento niya.

Grateful din daw si Beauty sa tulong ni Direk Adolf, Kelvin, at maging ng iba pa nilang co-stars.

"I'm very lucky that our director, si Direk Adolf, works with me and Kelvin is also open to learning new things. Everyone is helping us to make the scene work and may kilig talaga. It needs a lot of help. Hindi lang pwedeng kaming dalawa din. Parang ang natural lang. Ang gaan-gaan. Sobrang saya lang noong flow, sobrang natural na natura. Kinilig ako," aniya.

Tunghayan ang unang tamblan nina Beauty at Kelvin sa world premiere ng Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette, simula September 13, 3:25 p.m sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, kilalanin pa ang ibang mga karakter sa serye sa gallery na ito: