TV

'Loving Miss Bridgette' lead stars share thoughts on dating outside of their age bracket

By Marah Ruiz

Isang May-December romance ang kuwento ng Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette.

Dahil ganito ang takbo ng kuwento ng mini-series, hindi naiwasang maitanong sa lead stars nitong sina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda ang mga kuro kuro nila sa pagkikipagrelasyon sa labas ng kanilang age bracket.

Married in real life na si Beauty at mas matanda sa kanya ang asawang si Norman Crisologo.

Gayunpaman, na-experience rin daw niyang magkaroon ng mas batang mga manliligaw.

"I had an experience also na may nanligaw sa akin na bata but natatawa ako. Never ko pang na-try na nagkaroon ako ng relationship with a young man but I had a few suitors na bata sa akin. Nagugulat na lang ako kasi parang anong nakita nila sa akin?" pahayag ni Beauty.

Very open naman daw si Kelvin na magkaroon ng girlfriend na mas matanda sa kanya.

"Actually in real life, mas gusto ko talaga 'yung older than me. Mas prefer ko lang 'yung mas may edad lang talaga sa akin, siguro kahit mga five years or six years," lahad naman ng aktor.


Sa kuwento ng “Loving Miss Bridgette,” magkakaroon ng summer fling sa pagitan ni bagong annulled na si Bridgette at mas nakababatang si Marcus.

Hindi nila inaasahang muli silang magkikita. Guidance counselor kasi si Bridgette sa university kung saan naka enroll naman si Marcus bilang pre-med student.

Si Beauty Gonzalez ang gaganap bilang Bridgette habang si Kelvin Miranda naman ay si Marcus.

"Mga Kapuso, inaanyayahan at iniimbitahan ko po kayong suportahan at panoorin ang 'Loving Miss Bridgette' sa darating pong September 13. Malapit na malapit na po 'yan. Exciting po ang istorya nito. Marami po kaming lahat hatid na katatawanan, kakiligan at iyakan sa 'Loving Miss Bridgette' kaya talagang dapat niyo po itong abangan," pahayag ni Kelvin.

First show ito ni Beauty simula nang opisyal siyang maging Kapuso kaya excited na siyang maibahagi ito sa mga manonood.

"Oh my God, I'm finally gonna invite. Excited na 'kong saibhin 'to. Mga Kapuso, ngayong Lunes na po sa September 13, 3:25 p.m., 'Loving Miss Bridgette.' Sana po panoorin niyo. Sana po suportahan niyo," masiglang pag-imbita ni Beauty.

Tunghayan ang world premiere ng Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette, simula September 13, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, kilalanin pa ang ibang mga karakter ng show sa gallery na ito: