What's on TV

'Stories From The Heart: Never Say Goodbye' actors share lessons they learned during their lock-in taping

By Dianne Mariano
Published October 11, 2021 12:10 PM PHT
Updated October 11, 2021 9:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

stories from the heart never say goodbye


Anu-ano ang mga natutunan ng 'Stories From The Heart: Never Say Goodbye' actors habang sila'y nasa lock-in taping? Alamin ang kuwento rito.

Sa episode ng ArtisTambayan hosted by Betong Sumaya kamailan, ibinahagi ng cast ng nalalapit na mini-drama series Stories From The Heart: Never Say Goodbye ang kanilang mga natutunan tungkol sa show at habang sila'y nasa lock-in taping.

Ayon sa leading man nito na si Jak Roberto, maraming aral tungkol sa buhay ang mapupulot sa "Never Say Goodbye" gaya ng pagpapahalaga sa mga taong nakapaligid at kung paano magiging matatag ang bawat desisyon ng isang tao.

“Marami akong natutunan tungkol kay Bruce at saka sa istorya mismo na paano kung mangyari sa 'yo 'yon. Magkaroon ka ng gano'n na tao na kailangan alagaan, parang hindi ko ma-imagine. Sobrang ganda nung istorya, madadala ka talaga, e,” pagbabahagi ni Jak.

Para naman kay Lauren Young, natutunan niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng support system dahil may mga pinagdadaanan siya habang nasa lock-in taping.

Aniya, “It was super hard for me to go through taping and be away from my family, and I'm happy na sila yung nakasama ko because naging madali yung trabaho para sa akin.”

Katulad ni Lauren, ang pagkakaroon ng support system rin ang naging aral para kay Kapuso actress Klea Pineda.

“Yung support system ng team kasi ng 'Never Say Goodbye,' ibang klase. Tipong pakiramdam mo kapag pumasok ka sa set, hindi mo nafi-feel na nasa work ka kasi halos lahat ng tao doon ramdam mo na naniniwala sayo at alam mo na sinusuportahan nila yung bawat isa.”

Dagdag pa ng aktres, natutunan niya mula sa kanyang karakter na si Joyce ang pagpapahalaga sa mga mahal sa buhay, lalo na sa panahon ng pandemya.

Sa kabilang banda, maaalala raw ni Kim Rodriguez ang mga aral na nakuha niya sa likod ng kamera kung kailan minsan ay nagbabahagi siya ng mga problema sa co-stars niyang sina Lauren at Klea.

Wika niya, “Hindi ko makakalimutan yung sinabi talaga sa akin ni Lauren... kasi noong mga panahon na 'yon masakit yung puso ko. Hindi ko makakalimutan yung sinabi niya,'Iba yung lalaki na kaya ibigay sa 'yo kaysa yung lalaking na gusto ibigay lahat sa 'yo.'”

Para kay Herlene “Sexy Hipon” Budol, naging malaking tulong ang show na ito sa kanyang career bilang artista.

“Sobrang laking naging tulong sa akin kung talagang magiging artista ako. Ito yung parang nag-build sa akin para matuto pa sa lahat ng eksenang gagawin at kung paano mo hawakan yung character mo,” ani Herlene.

Samantala, mapanonood na ang Stories From The Heart: Never Say Goodbye sa Lunes, October 18 sa GMA Afternoon Prime.

Habang hinihintay ang world premiere, alamin ang mga nakatutuwang mensahe ni Klea Pineda para sa kanyang co-workers dito: