TV

Klea Pineda, Jak Roberto, at Lauren Young, ibinahagi ang mga aral na matututunan sa 'Never Say Goodbye'

By Dianne Mariano

Ibinahagi ng lead actors ng mini-drama series na Stories From The Heart: Never Say Goodbye ang mga aral na nais iparating ng kanilang mga karakter sa show.

Ayon kay Kapuso hunk Jak Roberto, na gaganap bilang Bruce Pelaez, ang istorya ng mini series na ito ay tungkol sa iba't ibang uri ng sakrispisyo.

“It's all about sacrifices natin sa loved ones natin. 'Yung mga decisions na kailangan nating pag-isipan at gawin, so lahat nang 'yon nandito sa istorya.

“Sacrifices ko as a lover, sacrifices ni Joyce bilang anak na bumubuhay sa pamilya niya, sacrifices ng pamilya niya no'ng nagkaroon ng cancer si Joyce, at sacrifices ni Victoria,” ani ng aktor.

Para naman kay Lauren Young, na bibigyang buhay ang karakter ni Victoria Flores, nais niya iparating sa mga manonood kung gaano kahalaga ang manindigan sa sarili.

Pagbahagi niya, “For Victoria, particularly, as much as she's sacrificed and as much as she gave way to the person that she loves, there comes a point na you have to not only stand up for those around you but to learn to stand up for yourself.”

“To know that sometimes it's okay to choose yourself instead of the person you love because at the end of the day, who else do you have but yourself?”

Bukod dito, pagpapahalaga naman sa mga taong nakapaligid sa buhay ng isang tao ang aral na nais iparating ni Klea Pineda sa pamamagitan ng kanyang karakter na si Joyce Kintanar.

Aniya, “'Yung sini-spend mong oras dapat pahalagahan mo kasama 'yung mahal mo sa buhay kasi hindi mo alam kung bukas nandito ka pa [sila] sa mundo.'Yung mga mahal mo sa buhay, 'yung nanay mo, 'yung tatay mo, nandito pa ba sila bukas? Kailangan natin pahalagahan 'yung oras at i-treasure 'yung mga moments na kasama natin sila.”

Tiyak na mahahalagang aral ang gustong ibahagi ng mga pangunahing karakter ng mini-drama series na ito kaya huwag dapat itong palampasin!

Mapapanood na maaya sa GMA Afternoon Prime ang Stories From The Heart: Never Say Goodbye na pagbibidahan nina Kapuso stars Klea Pineda, Jak Roberto, at Lauren Young.

Kabilang din sa mini-drama series na ito sina veteran actress Snooky Serna, Max Eigenmann, Herlene “Sexy Hipon” Budol, Luke Conde, Kim Rodriguez, Mosang, Shermaine Santiago, at Phytos Ramirez.

Sina Art Acuña at Joshua Zamora naman ay may special participation sa show na ito.

Abangan ang world premiere ng Stories From The Heart: Never Say Goodbye sa October 18, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, silipin ang behind-the-scenes ng Never Say Goodbye sa gallery na ito: