TV

Klea Pineda, iba't ibang emosyon ang naramdaman sa kanyang karakter sa 'Never Say Goodbye'

By Dianne Mariano

Ayon kay Stories From The Heart: Never Say Goodbye star na si Klea Pineda, nakaramdam siya ng iba't ibang emosyon matapos mabasa ang script ng kanyang karakter bilang Joyce Kintanar.

Sa eksklusibong panayam ng aktres sa GMANetwork.com, ikinuwento ni Klea, “Noong nabasa ko 'yung script, siyempre natakot ako, kinabahan pero, at the same time, na-excite ako na gawin si Joyce Kintanar."

Patuloy niya, “Na-excite akong gawin 'yung project na 'yun kasi out-of-the-box role siya for me. Hindi ko pa siya nagagawa before and ito 'yung isa sa mga kinatatakutan ko before na role, 'yung magkaroon ng cancer or 'yung may sakit, very heavy drama.”

Marami rin daw natutunan ang Kapuso actress sa kanyang role kaya ikinatutuwa n'ya na nabigyan siya ng ganitong oportunidad.

“Natutuwa ako kasi nabigyan ako ng ganitong role and marami akong natutunan habang ginagawa ko 'yung project na ito,” ani Klea.

Nasorpresa rin ng aktres ang kanyang sarili dahil nagawa at kinaya n'ya ang isang heavy drama na role.

Aniya, “Na-surprise din ako sa sarili ko na, 'Uy, kaya ko pala.' Before naiisip ko na, 'Kaya ko ba 'yan?' Nagda-doubt ako sa sarili ko pero no'ng ginawa na namin, nag-start na 'yung taping, na-surprise ako mismo sa sarili ko na, 'Kaya ko palang gumanap ng gano'ng heavy drama role.'”

Napapanood si Klea bilang Joyce Kintanar sa mini-drama series na Stories From The Heart: Never Say Goodbye tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Kung curious kayo tungkol sa masasayang activities off-cam ng Team Never Say Goodbye, tingnan ang kanilang behind-the-scenes sa gallery na ito: