TV

Khalil Ramos, masaya sa kaniyang first Kapuso series na 'Stories from the Heart: Love On Air'

By Jimboy Napoles

Mahigit isang taon na ang pagiging Kapuso ng aktor na si Khalil Ramos pero hanggang ngayon daw ay overwhelming pa rin ang kaniyang pakiramdam dahil sa mga proyektong ibinibigay sa kaniya.

Sa ginanap na media conference ng kaniyang first Kapuso series na Stories from the Heart: Love On Air nitong Martes (Nobyembre 23), ibinahagi ni Khalil ang kaniyang pasasalamat sa GMA Network at sa kaniyang mga nakatrabaho sa serye.

"So many firsts for me, this is the first time na mag-lock-in ako ng ganito katagal, my first teleserye with Gabbi, tapos my first teleserye with GMA, it's been a year since I signed sa GMA pero until now I still get the very overwhelming feeling siguro dahil gawa ng bago yung mga nakakatrabaho ko, merong kapaan pa rin to be honest pero they've been so welcoming kasi the entire production," kuwento niya.

Malaki rin daw ang naitulong ng cast at production staff ng "Love On Air" upang mas maging magaan ang trabaho sa kanilang naging taping.

"Lahat sila were so collaborative, kumbaga open arms hindi nila ako in-intimidate and I felt talaga na that I belong sa group and especially nung lock-in, it's very different yung feeling ng lock-in siyempre hindi tayo mentally prepared, iba kasi yung conditioning mo as an actor din and it is really important yung camaraderie mo with cast and fellow actors and of course the production," ani Khalil.

Aminado ang Kapuso actor na bagama't bago ang karamihan sa kaniyang mga nakasama sa proyekto ay masaya siya na maging bahagi nito.

"Sobrang thankful ako na lahat sila from the cast and the production staff, sobrang welcoming and I felt really comfortable, hindi naging mahirap sa 'kin, walang ilangan, walang negative energy, sobrang enjoy. Hindi namin naramdaman yung tagal ng lock-in taping, mas naramdaman pa namin yung 10-day quarantine. Yung final days ng taping parang, 'hala tapos na ang bilis.' I'm very, very happy to be part of this project," aniya.

Kuwento naman ng kaniyang leading lady na si Gabbi Garcia, isinantabi raw muna nila ang pagiging magkasintahan sa set ng series at naging professional sa pag-atake ng kanilang mga eksena.

"'Tsaka kapag nasa set kami hindi kasi kami...We don't treat each other as boyfriend-girlfriend. It's more of you are my co-actor I will respect you, I'll ask kung paano mo aatakihin yung scene, it's more of like that hindi kami masyadong girlfriend-boyfriend sa set," kwento ni Gabbi.

Makakasama ng GabLil sa nasabing series ang nagbabalik-Kapuso na si Sunshine Cruz at kapwa Kapuso stars na sina Kate Valdez,Kiray Celis, Anjo Damiles, Jason Francisco, Yasser Marta, at The Clash season 1 alumnus na si Psalms David.

Abangan ang Stories from the Heart: Love On Air ngayong November 29 sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang behind-the-scene photos ng naging lock-in taping ng Stories from the Heart: Love On Air: