TV

Sunshine Cruz, may natutunan sa co-stars ng 'Stories from the Heart: Love On Air'

By Jimboy Napoles

Glowing and looking young na humarap sa press ang nagbabalik-Kapuso na si Sunshine Cruz sa ginanap na media conference ng 'Stories from the Heart: Love On Air' nitong Martes, Nobyembre 23.

Kasama ni Sunshine sa nasabing series ang Kapuso real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos at ang ilan pang Kapuso stars na sina Kate Valdez, Yasser Marta, Kiray Celis, Anjo Damiles, Jason Francisco, at 'The Clash' season 1 alumnus na si Psalms David.

Aminado si Sunshine na bago para sa kaniya ang mapabilang sa cast na mas bata sa kaniya lalo pa't unang beses niya pa lamang din makakatrabaho. Gayunman, hindi raw niya inakala na mag-eenjoy siya sa set at makakakuha ng mga bagong kaibigan. Sa katunayan, marami nga raw siyang natutunan sa kaniyang co-stars.

"Ang natutunan ko sa kanila huwag maging masyadong seryoso kapag nasa set, ako kasi kadalasan kapag nasa taping I'm really focused sa mga lines, focused ako doon sa character ko, pero this time around, it's also nice to mingle, to have fun with these kids," kwento ng seasoned actress.

Malaki rin daw ang naitulong ng cast upang hindi niya masyadong ma-miss ang kaniyang mga anak na nahiwalay sa kaniya habang siya ay nasa lock-in taping.

"Sabi ko nga parang nabawasan yung n pagka-miss ko sa mga anak ko dahil puro mga bagets din yung mga nakasama ko and sobrang grateful ako na nakasama ko silang lahat dahil ang babait ng mga bata ang babait talaga nila." ani Sunshine.

Pagtapos ng kanilang lock-in taping, nag-post pa ang aktres sa kaniyang Instagram account ng ilang mga larawan ng kanilang naging bonding moments sa set ng 'SFTH: Love On Air.'

"I had a great time with these people and I will definitely miss all of them. Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng 'Stories From The Heart Love On Air'" caption niya.

Ayon pa sa aktres, nakatakda ulit siyang sumabak sa isa muling lock-in taping bago ang kapaskuhan para sa isang proyekto sa GMA Network.

Samantala, abangan ang 'Stories from the Heart: Love On Air' ngayong November 29 sa GMA Afternoon Prime.

Silipin naman sa gallery na ito ang behind-the-scene photos ng naging lock-in taping ng 'Stories from the Heart: Love On Air':