TV

Mark Bautista, inalala ang kanyang 'Star for a Night' days

By Gia Allana Soriano

First runner-up si Mark Bautista sa 2002-2003 singing competition na Star for a Night, kung saan nanalo ang singer na si Sarah Geronimo.

After 15 years, isa nang tanyag na singer si Mark at magiging parte siya ng upcoming musical variety show ng GMA, ang Studio 7.

Sa press conference para sa Studio 7, inalala ni Mark ang mga araw na kasali pa siya sa Star for a Night.

Aniya, "Nagkuwentuhan nga kami, na dati ganyan tayo sumagot sa press. Parang nakikita ko 'yung sarili ko nung nag-uumpisa pa lang din ako."

Ikinuwento rin ni Mark ang kanyang pagsali sa Studio 7, kung saan makakasama rin niya sina Migo Adecer, Kyline Alcantara, Christian Bautista, Rayver Cruz, Donita Nose and Tekla, Gabbi Garcia, Cassy and Mavy Legaspi, Mikee Quintos, Julie Anne San Jose at Kate Valdez. At siyempre, si The Clash Champion Golden Cañedo, Clashers Garrett Bolden, Jong Madaliday, Josh Adornado, at Mirriam Manalo.

Julie Anne San Jose, bilib sa singers na produkto ng 'The Clash'

Ika niya, "Minsan kasi may iba kang plans, 'di ba? Especially 'pag natatapos 'yung show ko, kailangan... may naiisip na ako talaga na gagawin akong next. Pero wala, dumating lang talaga itong show na ito. Kaya sobrang thankful ako. Kasi may iba akong plano pero ito ang binigay, kaya sinundan ko na lang."

Abangan ang Studio 7, ngayong October 14 na, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.